MAXINE'S POV Nanlaki ang mata ko nang mapa nood ko ang nangyayari sa kumpanya. "Anong nangyayari Maxine? This is bad!" wika ni Sakura. Umiling ako bilang sagot, miski ako ay wala akong alam sa nangyayari ngayon. Mag sasalita pa lang sana ako ng bumukas ang pinto. Nagulat pa ako ng makita si Alisha. "Dahil sayo ang kumpanya ay tuluyan ng bumagsak! Alam mo galit na galit ako sayo at sa Lolo mo!" galit na wika nito. Tumayo na ako at mabuti uuwi na ako ngayong araw din dahil okay naman na ako at ayoko na dito. Ang asawa ko na lang ang hinihintay ko. "Ako? " tanong ko dito. "Oo ikaw! Ikaw ang dahilan bakit nawala sa amin lahat! Isa kang pest----" "Pfft hahaha! Bakit ako? Ako ba ang nag patakbo ng kumpanya sa halos sampung taon? Ako ba ang nag nanakaw ng pondo ng kumpanya? Ako ba ang kum

